Add caption |
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay mahalaga. Ito ay hindi dapat pinapabayaan. Kapag hindi ito aalagaan, ang mga magiging masasamang epekto nito ay ang pagkakaroon ng baha, landslides, flashfloods, at marami pang iba na makakasama sa ating kalikasan. Kung gugunihin mo ang lahat ng mga masasamang epekto, hindi ito nakabubuti sa atin. Noong Setyembre 26, 2009, ang Ondoy, na isang malakas na bagyo ay tumama sa Pilipinas. Maraming nabaha, at nagkaroon ng mga flashfloods at landslides. Ano ang sanhi nito? Isa na dito ay ang hindi pag-aalaga ng mabuti ng ating kalikasan at kapaligiran. Kung hindi tayo nag putol ng mga puno para lang magkaroon ng mga gusali at mga malls, atbp, hindi tayo magkakaroon ng mga baha, landslides o flashfloods. Sana matuto tayo sa mga karanasan na nagyaring masama sa atin.
Maraming pwedeng gawin para hindi ito mangyari ulit. Tulad ng pag ‘segregate’ ng mga basura, ang hindi pag tapon kung saan – saan, at marami pang iba na makakatulong sa atin. Madadali lang naman ang mga pwedeng gawin para hindi magkaroon ng mga kalamidad. Simple lamang ito at hindi ka gaanong mahihirapan. Malaking tulong na rin ang mabibigay mo kung mag tatanin ka ng mga puno. Ito ay isang paraan para hindi magkaroon ng baha. Ang mga pwedeng gawin sa pagbabawas sa epekto at pag resolba sa climate change ay ang pag sakay sa mga “Public transportations’ para makabawas sa mga ‘emissions’ na makaka – ambag sa climate change. Kailangan din natin alisin ang mga naka-saksak sa saksakan para maka – tipid ng kuryente. Pag pupunta tayo sa mga supermarkets, gumamit nalang ng mga ‘reusable bags’ para makabawas sa pag gamit ng plastic. Gumamit rin ng 5 R’s dahil ito ay makakatulong din
Tayo ay dapat mag tipid ng enerhiya. Malaking tulong na rin ang mabibigay nito. Maraming mga madadaling paraan kung paano alagaan ang kapaligiran. Marami ding mga madadaling paraan kung paano maresolba at mapabawas sa epekto ang climate change. Dapat tayong matuto sa mga karanasan na masamang nangyari sa atin para hindi ito muling mauulit. Kung hindi rin naman importante ang lakad, mas mabuting wag nalang umalis ng bahay. Linisin ang kapaligiran, mag ‘segregate’, gamitin ang 5 Rr’s at mag tipid ng kuryente. Humingi rin ng tulong sa Diyos. Mag ‘reuse’ ng mga gamit na pwede pang gamitin. Mag tulung-tulungan tayong lahat.
Lahat tayo ay dapat mag tutulungan. Dapat isipin rin natin ang iba bago ang sarili. Kung tayo ay mag tutulungan, mas mabilis ma-resolba ang lahat ng mga problema. Mag dasal tayo sa Diyos at humingi ng tulong upang tayo ay magabayan sa lahat ng ating gagawin. Lahat ay possible dahil nandiyan ang ating Panginoong Diyos. Ito ay makakabuti sa ating lahat kung gagawin natin ang lahat ng maitutulong natin para magkaroon ng malinis na mundo. Kapag hindi natingagawin ang mga ito, kailangan mong harapin ang mga ‘consequences’ o kabayaran ng iyong hindi pag tulong para sa kalikasan. Kung gusto mo rin ng magandang kinabukasan, gawin mo ang lahat ng makakaya mo para makatulong sa kalikasan. Kung gagawin natin ang lahat ng ito, tayo ay magkakaroon ng malinis, maayos at mapayang lugar. Magagawa natin ito, magtiwala lang tayo sa Diyos.
Isinulat ni: Samantha Mariya Kaila G. Camacho
Grade 7 - Einstein ng Ramon Magsaysay High School